In The Beginning: Ang Inspirasyon Na Gawa Ni Kasilag Ayon Sa Paglikha
Lucrecia R. Kasilag (1918-2008)- o mas kilala sa pangalang “Tita King.” Si Tita King ay tinanghal bilang National Artist of Music taong 1989, dahil sa angking talino niya sa paggawa ng musika ("Himig | Features"). Mahigit 200 na komposisyon ang ginawa ni Tita King kasama na dito ang mga folksongs, opera at iba pang orchestral works. Isa na dito ang "In the Beginning" na ginawa ni Kasilag at Fred A. Tiburcio na siyang libretto. Unang beses itong tinugtog noong ika - 21 ng Oktubre taong 1988 kasama ang mga ilang mang-aawit, bilang handog sa ika-16 na anibersaryo ng National Music Competition for Young Artist na ginanap sa Cultural Center of the Philippines.
Ang paggawa ng "In the Beginning" ay isang ng inspirasyon na nilikha na nagmula sa Bibliya, dahil sa patungkol ito sa paglikha ng Diyos sa mundo. Maaari ring sabihin na ang komposisiyon na ito ay isang oratoryo dahil sa patungkol ito sa Biblical matter.
Sa dulong parte ng papel na ito makikita ang buong kopya ng "In the Beginning" na ginawa ni Tita King.
Sa papel na ito tatalakayin ang pagkakahambing ng "In the Beginning" at mga berso sa Bibliya na tumutukoy sa paglikha ng mundo. Ang mga nasa kaliwang hanay ay mula sa "In the Beginning" at ang kanan naman ay ang mga berso mula sa Bibliya.
Ang unang araw ng paglikha ng Diyos ay ang paggawa ng langit at lupa at ito ay nasa Genesis 1: 1-5 samantalang ang sa "In the Beginning" ay nasa ikatlong at ikaapat na numero. Kasama na din dito ang pagkakaroon ng liwanag sa dilim. Kasama na rin sa paggawa sa unang araw ang kalangitan at ang kalupaan.
Sa ikadalawang araw ng paglikha narito ang pagkahiwahiwalay ng bawat parte ng mundo. Nahati sa tatlo; ang mundong ibabaw, mundong kalagitnaan, at mundong ilalim.
Sa ikatatlong araw – dito ginawa ng Diyos ang lupa at ang dagat. Ang parehong lugar na binigyan ng buhay na bagay, tulad na lamang ng mga damo, puno at bulaklak na siyang magbigay kulay sa lupa. Sa dagat naman ay nilagyan niya ng iba’t ibang uri ng halamang dagat na gayon ay mabuhay at magmukhang kaaya-aya din ang ilalim ng kalawakan. Ginawa Niya muna ang lahat ng ito, para sa susunod na hakbang at magmukhang paraiso sa mga hayop na gagawin ng Diyos. Kung baga ito ang parte na kung saan ay sinet-up muna bago lagyan ng mga mamumuhay dito.
Padating ng kinabukasan sa ika-apat na araw dito ginawa ng Diyos o ipinakita na ang Araw na siyang magbibigay liwanag sa umaga, at ang paglikha ng Buwan sa siyang magiging ilaw sa madilim at malalim na gabi, kasama na ang mga maliliit na bituin na siyang magpapaganda sa madilim na kalangitan.
At nang matapos na i-handa ang lupa, dapat at kalangitan sa panglimang araw, nilagyan nang Diyos ang mundo ng ang mga ibon na lilipad ng mataas sa kalangitan, mga baboy ramong mababangis sa lupa at mga isdang lalangoy ng mabilis sa dagat. Ito na ang pagkakaroon ng buhay sa mundo.
Sa pang-anim na araw ng paglikha dito ginawa ng Diyos ang tao na siyang mag- aalaga sa lahat ng ginawa ng Diyos. Ang lupain para bungkalin, mga halaman at puno na payayabungin, mga ilang hayop ang magsisilbing mga kaibigan at taga alaga rin ng kalikasan. Sa araw na ito, masasabing nakuntento na ang Diyos dahil kumpleto na kanyang obra maestra Niya ng paglikha.
Nang matapos ang anim na araw ng paglikha, ginamit ng Diyos ang ika-pitong araw upang magpahinga. Dahil sa kumpleto na kanyang nilikha.
Ito ang magkatabing pagkukompara ng "In the Beginning" at ang Genesis the creation. Makikitang, sa gawa ni Kasilag inspirasyon niya ang Genesis, hindi man niya ito direktang sinsabi ngunit ang kahulugan talaga nito ay ang paglikha ng mundo. Katapat nito ang mga berso mula sa bibliya na siyang magpapalalim sa kahulugan ng mga letrang isinulat ni Kasilag.
Isang napakagandang obra maestra ni Lucrecia R. Kasilag ang "In the Beginning," sa paggawa ng "In the Beginning" sapangkat naibahagi niya bilang isang Pilipino na kayang gumawa ng isang musika na maihahambing sa sa Bibliya. Tiyak na mas tatangkilikin ang mga gawang Pilipino.
Bibliography
"Himig | Features." HIMIG The Filipino Musical Collection of FHL. Accessed December 07, 2018. http://www.himig.com.ph/features/32-lucrecia-r-kasilag.
Matthew 6:24 "No One Can Serve Two Masters. Either You Will Hate the One and Love the
Other, or You Will Be Devoted to the One and Despise the Other. You Cannot Serve
Both God and Money. Accessed December 07, 2018.
https://biblehub.com/adb/genesis/1.htm.
"National Artist - Lucrecia R. Kasilag." National Commission for Culture and the Arts. June
03, 2015. Accessed December 07, 2018. http://ncca.gov.ph/about-culture-and-
arts/culture-profile/national-artists-of-the-philippines/lucrecia-r-kasilag/.